Nanonood ako nung nakaraang gabi ng isang programa sa TV kung saan iniinterview ang isang babaeng tatakbo sa pagka-kongresista sa darating na 2013 elections. Konsehala siya ngayon sa nasasakupan niya, na hindi ko na babanggitin kung saan. Tinanong siya ng isa sa mga nag-iinterview.
"Bakit kongresista kaagad? Bakit hindi muna mayor o vice mayor?"
Nagulat ako sa sagot niya.
"Kasi, kailangan ko ng budget para sa mga proyekto ko. Mas marami akong magagawa kung may budget na ako at hindi na ako aasa pa sa mga sponsors..."
Actually marami pa sit\yang sinabi. Pero hindi ko talaga lubos maisip na tatakbo siya sa posisyon na 'yon para sa budget. Okay, let's give her the benefit of the doubt. Baka nga naman nagkakaubusan na ng sponsors at walang-wala na rin siyang pera para sa mga proyekto niya. Pero maaari namang makatulong na hindi na gagamitin pa ang pera din naman ng mga mamamayan. Ano pa ang tatawagin mong tulong dun, eh 'di ba yung gagastusin niya sa pagtulong eh galing din sa mga tutulungan niya?
Haii... ano na naman kayang kinabukasan ang darating sa Pilipinas ngayong papasok na 2013?
No comments:
Post a Comment