“I am a Filipina. I’m also a married woman and I insist whoever is
married to me to give me safe and satisfying sex, period.”
-
senador na pabor sa RH Bill.
Narinig ko 'to habang ina-amyendahan
sa Senado ang RH Bill. Isa sa mga senador na hindi pabor sa nasabing
panukalang batas ang may gustong alisin ang word na "satisfying" sa
phrase na "safe and satisfying sex." Pero umalma ang mga babaeng senador
na pabor dito. Karapatan daw ng mga kababaihan ang magkaroon ng safe
and SATISFYING sex with their partners. Nasabi ko na lang bigla, "Ibig
sabihin, kung hindi naibigay ng asawa mo ang karapatan mo, pwede mo
siyang hiwalayan?"
Siguro nga hindi naman talaga yun ang ibig
sabihin ng senadora. Pero yun yung naintindihan ko.Di ko lang alam kung
ano ang pagkakaintindi ng iba.
Naalala ko bigla ang D.A.R.E. namin
nung elementary days. Isang SPO3 ang nagtuturo sa 'min noon. Tinanong
niya kami kung saan daw ba nagtatapos ang karapatan ng isang tao. Walang
nakasagot. Sa bandang huli, siya rin ang sumagot sa tanong niya - ang
karapatan ng tao ay nagtatapos sa isa pang karapatan ng kapwa mo.
Maaaring
hindi sa lahat ng pagkakataon, applicable ang sinabi niyang 'yon. Pero
sa isyu ng bayan sa ngayon, maaari ko nga bang ipasok yun? Na maaaring
matapos ang karapatan ng isang babae sa "safe and satisfying sex" (kung
yun nga ay isa sa mga karapatang pantao na nagbabantang ma-deny sakaling
di nakapasa ang RH Bill) sa karapatan naman ng isang sanggol na
maisilang? Siguro sasabihin ng ibang makakabasa nito na, eh paano
magiging kapwa yun, eh hindi pa nga tao. Hindi nabuo. Eh pano'ng
mabubuo, inalis na nila ang karapatan ng sanggol na 'yon ang maging tao
at maisilang. Paano na ngayon ang pag-aasawa at ang pagpapamilya?
Kawawa naman ang mga mister ng tahanan kung sakaling di nila maibigay
ang "karapatan" ng mga misis nila. Kawawa naman ang mga misis ng tahanan
na gustong maging ina, pero ayaw silang pagbigyan ng mga mister nila.
Kawawa naman ang mga batang magiging solong anak. Mahihirapan sila
pagdating ng panahong wala na ang mga magulang nila dahil wala silang
kapatid na magmamalasakit at mapagkakatiwalaan nila. At higit sa lahat,
kawawa naman ang mga batang hindi na kailanman maipapanganak. Hindi nila
matitikman ang tamis ng halakhak at pait na dala ng luha, ang pakla ng
pagsubok at ang sarap ng tagumpay. Hindi na nila mararamdaman ang saya
ng buhay.
Iginagalang ko rin naman ang opinyon ng ibang tao na
pabor sa panukalang batas na ito. Hindi ako nanghihikayat na sumang-ayon
ang sinuman sa kung anuman ang mga sinabi ko. Pero kung sakaling may
mga reaksyon tungkol sa blog ko, wala namang masama. Maaring mali ako at
tama sila. At maaari din namang tama ako at mali sila.
To kill is
against God's will... So let's say NO to RH Bill.
No comments:
Post a Comment