Wednesday, December 19, 2012

"I Am A Filipina..."

“I am a Filipina. I’m also a married woman and I insist whoever is married to me to give me safe and satisfying sex, period.”
- senador na pabor sa RH Bill.

Narinig ko 'to habang ina-amyendahan sa Senado ang RH Bill. Isa sa mga senador na hindi pabor sa nasabing panukalang batas ang may gustong alisin ang word na "satisfying" sa phrase na "safe and satisfying sex." Pero umalma ang mga babaeng senador na pabor dito. Karapatan daw ng mga kababaihan ang magkaroon ng safe and SATISFYING sex with their partners. Nasabi ko na lang bigla, "Ibig sabihin, kung hindi naibigay ng asawa mo ang karapatan mo, pwede mo siyang hiwalayan?"

Siguro nga hindi naman talaga yun ang ibig sabihin ng senadora. Pero yun yung naintindihan ko.Di ko lang alam kung ano ang pagkakaintindi ng iba.

Naalala ko bigla ang D.A.R.E. namin nung elementary days. Isang SPO3 ang nagtuturo sa 'min noon. Tinanong niya kami kung saan daw ba nagtatapos ang karapatan ng isang tao. Walang nakasagot. Sa bandang huli, siya rin ang sumagot sa tanong niya - ang karapatan ng tao ay nagtatapos sa isa pang karapatan ng kapwa mo.

Maaaring hindi sa lahat ng pagkakataon, applicable ang sinabi niyang 'yon. Pero sa isyu ng bayan sa ngayon, maaari ko nga bang ipasok yun? Na maaaring matapos ang karapatan ng isang babae sa "safe and satisfying sex" (kung yun nga ay isa sa mga karapatang pantao na nagbabantang ma-deny sakaling di nakapasa ang RH Bill) sa karapatan naman ng isang sanggol na maisilang? Siguro sasabihin ng ibang makakabasa nito na, eh paano magiging kapwa yun, eh hindi pa nga tao. Hindi nabuo. Eh pano'ng mabubuo, inalis na nila ang karapatan ng sanggol na 'yon ang maging  tao at maisilang. Paano na ngayon ang pag-aasawa at ang pagpapamilya? Kawawa naman ang mga mister ng tahanan kung sakaling di nila maibigay ang "karapatan" ng mga misis nila. Kawawa naman ang mga misis ng tahanan na gustong maging ina, pero ayaw silang pagbigyan ng mga mister nila. Kawawa naman ang mga batang magiging solong anak. Mahihirapan sila pagdating ng panahong wala na ang mga magulang nila dahil wala silang kapatid na magmamalasakit at mapagkakatiwalaan nila. At higit sa lahat, kawawa naman ang mga batang hindi na kailanman maipapanganak. Hindi nila matitikman ang tamis ng halakhak at pait na dala ng luha, ang pakla ng pagsubok at ang sarap ng tagumpay. Hindi na nila mararamdaman ang saya ng buhay.
Iginagalang ko rin naman ang opinyon ng ibang tao na pabor sa panukalang batas na ito. Hindi ako nanghihikayat na sumang-ayon ang sinuman sa kung anuman ang mga sinabi ko. Pero kung sakaling may mga reaksyon tungkol sa blog ko, wala namang masama. Maaring mali ako at tama sila. At maaari din namang tama ako at mali sila.

To kill is against God's will... So let's say NO to RH Bill.

Monday, December 17, 2012

Para sa Budget

Nanonood ako nung nakaraang gabi ng isang programa sa TV kung saan iniinterview ang isang babaeng tatakbo sa pagka-kongresista sa darating na 2013 elections. Konsehala siya ngayon sa nasasakupan niya, na hindi ko na babanggitin kung saan. Tinanong siya ng isa sa mga nag-iinterview.

"Bakit kongresista kaagad? Bakit hindi muna mayor o vice mayor?"

Nagulat ako sa sagot niya.

"Kasi, kailangan ko ng budget para sa mga proyekto ko. Mas marami akong magagawa kung may budget na ako at hindi na ako aasa pa sa mga sponsors..."

Actually marami pa sit\yang sinabi. Pero hindi ko talaga lubos maisip na tatakbo siya sa posisyon na 'yon para sa budget. Okay, let's give her the benefit of the doubt. Baka nga naman nagkakaubusan na ng sponsors at walang-wala na rin siyang pera para sa mga proyekto niya. Pero maaari namang makatulong na hindi na gagamitin pa ang pera din naman ng mga mamamayan. Ano pa ang tatawagin mong tulong dun, eh 'di ba yung gagastusin niya sa pagtulong eh galing din sa mga tutulungan niya?

Haii... ano na naman kayang kinabukasan ang darating sa Pilipinas ngayong papasok na 2013?

Monday, December 10, 2012

A Thousand Years...

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years...

These were just a few lines of the song that keep coming through my head, and it makes me hum the whole day. I think i wnt to make this the music while I walk down the aisle... :)

Just like Bella did while Edward was waiting for her...

I am no fanbut I guess... I just like the song.:)